Default Thumbnail

5 timbog sa P183K shabu sa Kyusi

May 5, 2022 Melnie Ragasa-limena 261 views

Limang suspek ang naaresto sa buy-bust operation at nakumpiska ang P183,600 na halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation Miyerkules ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa report kinilala ang mga suspek na sina Robinson Amador, 32, ng San Jose Del Monte, Bulacan; Alvin Endriga, 36, at si Fatima Serrano, 32, parehong taga Caloocan City; Emmanuel Pilongo, 25, ng Bgy. Balingasa, QC at Rowena Cabiling, 31, ng Bgy. Balon Bato, QC.