Ibay Pinuri ni MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang kanyang mga tauhan sa pagkakahuli sa mga suspek na tulak noong Linggo. Kuha ni JonJon Reyes

5 drug suspek nalambat

January 27, 2025 Jonjon Reyes 192 views

NALAMBAT ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ang limang lalaki na pinaghihinalaang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at nabawi ang nasa 140 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P1 milyon sa Ermita at Binondo, Manila noong Linggo.

Unang natimbog ng mga operatiba ng Ermita Police Station 5 sina alyas Axel, 33; Wilfredirick, 33; Jay-R, 34; at Charles, 33, bandang alas-7:00 ng gabi.

Nahuli sila sa Roxas Blvd East Service road sa kanto ng P. Faura St., ayon kay P/Major. Edwin Fuggan.

Narekober mula sa apat ang 100 gramo ng shabu na tinatayang nasa P680,000.

Nabitag naman ng mga operatiba ng MPD-Meisic Police Station 11 ang isa pang umano’y tulak ng droga at nasamsam ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,800 sa Asuncion St., Brgy. 270, Binondo, Manila.

Nakilala suspek sa alyas Rocky, 23, at nahuli bandang alas-12:20 ng hatinggabi.

AUTHOR PROFILE