LTO Ang mga opisyales ng LTO-MIMAROPA at mga residente ng dalawang barangay na nakinabang sa libreng road safety seminar. Photo courtesy ng LTO-MIMAROPA

407 nakinabang sa road safety seminar

August 16, 2023 Jun I. Legaspi 448 views

APAT na daan at pitong residente mula sa dalawang brangay ang nakinabang sa libreng road safety seminar ng Land Transportation Office-MIMAROPA, nitong August 12 at 13,2023, ayon sa awtoridad.

Ayon kay LTO-MIMAROPA Regional Director Eduardo C. De Guzman, ang inisyatibo ay kaugnay sa utos ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista at LTO Chief at Assistant Sec. Atty. Vigor D. Mendoza II na paigtingin pa ang kampanya sa kaalaman sa road safety sa mga barangays.

Ayon kay De Guzman, espisipiko ang mga kaalaman na ibinigay ng agency sa mga residente ng Brgys Kamuning at Maunlad sa Puerto Princesa kaugnay sa comprehensive understanding sa Land Transportation law, batas at regulasyon.

Ipinaalam sa 407 na participants ang kampanya sa mga essential roles kaugnay sa responsibilidad kapwa ng drivers at motorists upang masigurado ang safe road environment.

Ayon kay De Guzma, sa pamamagitan ng mga seminar na ginagawa ng agency na binigyan ng mga tamang impormasyon ang publiko kaugnay sa road safety.

Ang nasabing seminar ay kapwa dinaluhan ng mga residente ng 2 Barangay Babae at Lalake, ayon kay De Guzman.

AUTHOR PROFILE