Shabu Source: Police Reional Office 1 FB

4 pang shabu packs na-recover sa Ilocos Sur

July 1, 2024 Christian D. Supnad 77 views

CAMP PRES QUIRINO, Ilocos Sur–Apat pang pakete na naglalaman ng shabu ang na-recover noong linggo ng mga mangingisda sa Ilocos Sur.

Dalawang residente ng Magsingal ang nag-report sa Magsingal police at ibinigay ang isang aqua blue plastic pack na may Chinese markings na “Cai Yun Li,” ayon sa report.

Sa statement nila sa mga pulis, napansin nilang may lumulutang na plastic habang nangingisda sila sa layong 14 nautical miles mula sa kanlurang bahagi ng bayan.

Bandang alas-3:00 ng hapon noong linggo, isang 53-anyos na mangingisda ang naka-recover din sa parehong item sa coastal waters ng Brgy. Mantanas, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Nakita ang blue pack na may label na Cai Yun L na palutang-lutang sa layong 20 nautical miles mula sa shoreline ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Sa coastal barangay ng Apatot, San Esteban, Ilocos Sur , dalawa ding mangingisda ang naka-recover ng 2 aqua blue plastic packs na may laman na pinaniniwalaang shabu.

Sakay noon ang mga mangingisda ng motorized banca sa layong 16 nautical miles mula sa shoreline ng Caoayan, Ilocos Sur nang mapansin nila ang 2 aqua blue plastic packs na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may markings “Cai Yun Li.”

Shabu ang laman ng mga pakete, ayon sa Ilocos Sur Provincial Forensic Unit sa Bulag Bantay, Ilocos Sur na pinamumunuan ni Major Roanalaine Baligod, forensic chemist.