Biktima

4 na biktima ng human trafficking dumating sa PH

June 29, 2024 Jun I. Legaspi 72 views

NAKABALIK na sa Pilipinas ang apat na Pilipinong biktima ng human trafficking na ni repatriate mula sa Myanmar.

Iniulat ng Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) kay BI Commissioner Norman Tansingco na kinabibilangan ang pinakahuling batch ng repatriate ng dalawang babae at dalawang lalaki na dumating sa bansa noong Hunyo 26.

Dumating ang mga biktima, na nasa 30s ang edad, lulan ng Thai Airways flight mula Myanmar.

Umamin ang mga biktima na umalis ng bansa bilang turista patungong Hong Kong, Thailand, at Taiwan pero dinala sa Myanmar sa pamamagitan ng bangka.

Pinangakuan sila ng call center jobs subalit napilitang magtrabaho bilang customer service representatives na sangkot sa online scams.

“Pilipino rin ang recruiter nila. It’s sad to hear that our own kababayan facilitates the trafficking of other Pinoys. Dinadala pa sa kapahamakan ang kababayan nila,” saad ni Tansingco.

Inihayag ng mga biktima na sinubukan nilang mag-resign subalit pinagbabayad sila ng penalty.

Dalawa sa mga ito ang hindi nakatanggap ng sahod habang ang dalawa pinagbayad pa ng P127,000.

“Trafficked Filipinos are forcibly transported to illegally cross borders to get to a remote location where it would be hard to escape,” pahayag ni Tansingco.

AUTHOR PROFILE