Santiago NBI Director Jaime Santiago

4 miyembro ng cybercrime syndicate arestado ng NBI

July 10, 2024 People's Tonight 325 views

MAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang apat na miyembro umano ng cybercrime syndicate na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa entrapment operation sa Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naaresto na sina alyas Ede, alyas Carlo, alyas John Kenneth at alyas Leonel.

Ayon kay Santiago, ang operasyon ay kaugnay sa multiple unauthorized breaches ng government websites.

Sa impormasyong natanggap ng NBI-CCD , natuklasan na isang indibidwal o grupo ay maaaring may pananagutan sa mga cyber intrusions kabilang ngunit hindi limitado sa COMELEC at Sky Cable Data at ang naturang data ay iniaalok for sale.

Dahil sa impormasyon, ang NBI-CCD ay nagsagawa ng survellaince operation kung saan natuklasan na ang cybercrime group na Blood Security Hackers ay responsable para sa kamakailang cyber intrusions.

Nang ikasa ang entrapment operation, naaresto ang apat na indibidwal habang tinatanggap ang marked money na gagamitin bilang kabayaran para sa pagbili ng mga data breaches.

AUTHOR PROFILE