Default Thumbnail

4 ex-communist sumuko sa Batangas

November 18, 2023 Jojo C. Magsombol 204 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Sumuko sa mga otoridad ang apat na miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa Brgy. 2, Mataas na Kahoy, Batangas, noong Huwebes.

Ayon sa report ni Batangas Provincial Director Col. Samson B. Belmonte, sumuko ang apat sa mga operatiba ng 403rd Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4-A at Mataas na Kahoy Municipal Police Station.

Nakilala ang mga sumuko na sina alyas Ponciano, 36, alyas Raffy, 32, alyas Vevencio Izar, 48, at alyas Rolando, 41, na mga magsasaka at residente ng Masapinit Brgy. Toong, Tuy, Batangas.

Nagsisilbing mga mata, tainga, contact at food supplier ng Eduardo Dagli Command ng New People’s Army ang mga sumuko.

Isinuko din nila ang Smith & Wesson cal. .38, tatlong bala at isang hand grenade at nag-surrender naman si alyas Raffy ng mga subersibong dokumento.

AUTHOR PROFILE