
4 arestado illegal drugs sa Maynila
APAT katao, kabilang ang dalawang miyembro ng Sputnik gang, ang nalambat ng pulisya dahil sa pag-iingat ng droga Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Lt. Col.Maria Agbon ang mga naaresto na sina alyas ‘Mark,’ 43, construction worker, ng 2178 Hilum St. Brgy. 846 Zone 92, Pandacan, Maynila; at alyas ‘Unyo’, 36; kapwa miyembro ng Sputnik gang; alyas ‘Beng,’ 28, construction worker at alyas ‘Cring,’ 34, grab driver, ng 1079 Fajardo St. Brgy. 537, Sampaloc, Manila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa sekyon 11, artikulo 2 ng R.A 9165 ang mga naarestong suspek.
Lubos ang pasasalamat ni MPD chief Police Brig.General Andre P. Dizon sa patuloy na pakikipag-tulungan ng mga mamamayan at barangayan sa kapulisan dahil nababawasan ang mga masasamang loob sa lipunan.