3K ESTUDYANTE NAKATANGGAP NG ISIP AYUDA
Pinangunahan ni. Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist at Jude Acidre ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) sa 3,000 estudyante-benepisyaryo sa Alba Hall Leyte Normal University sa Tacloban City, Leyte, Sabado ng hapon. Target ng programa ang mga estudyante na nasa tertiary at vocational levels na may pinansyal na pangangailangan. Makakatanggap sila ng perang ayuda ng anim na buwan para sa kanilang tuition at ibang gastusin. Nasa kaganapan din ang siyam na “Young Guns” ng Kamara de Representantes at iba lang lokal na opisyal ng gobyerno. Mga kuna ni VER NOVENO