
3 suspek sa panghahalay, tiklo
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang tatlong teenager na umano’y salitang nanghalay sa kaklase nilang babae sa Tondo, Manila noong Linggo.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jhon,19; Mark, 18; at Emil, 18, na pawang mga grade 12 student,.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander ng Baseco Police Station, dinampot ang tatlo dakong alas-7:20 ng umaga sa Block 15-B, Brgy. 649 Baseco compound, Port Area, Manila.
Niyaya umano ng mga suspek ang biktima para mag-inuman, ayon sa report.
Bandang alas-10:00 ng gabi nakipag-chat ang suspek sa menor de edad na biktima kung nasaan siya dahil magsisimula na silang uminom.
Sumagot ang menor de edad na biktima na papunta na siya kaya inutusan siya ng suspek na pumunta sa isang lugar kung saan siya susunduin ng dalawa nitong kasama.
Nakaramdam ng pagkahilo ang biktima habang nag-iinuman kaya nagpaalam na pupunta ng kubeta.
Doon na sinundan ng unang suspek ang biktima.
Bandang alas-2:00 ng madaling araw noong Linggo habang natutulog ang biktima naramdaman niya na may humahaplos sa kanya habang nandoon din ang dalawa pang mga suspek.
Pagkatapos ay sinimulang hubarin ang kanyang pantalon at damit na panloob habang pinipigilan siya ng dalawa sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang mga kamay at pagtakip sa kanyang bibig.
Pagkatapos nito, sumunod naman ang ikatlong suspek at ipinasok din niya ang kanyang daliri sa ari ng menor de edad na biktima.
Matapos ang mga insidente, nakatulog ang mga suspek dahil sa kalasingan.
Bandang alas-6:00 ng umaga, nakakuha ng tyempo ang biktima at agad na tumakas patungo sa kanyang isang kaibigan.
Doon na nagtungo sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina at isinumbong ang ginawang kahalayan ng kanyang mga kaklase.