Default Thumbnail

3 sasakyan nagkarambola sa Sto. Tomas, 8 sugatan

May 21, 2023 Jojo C. Magsombol 119 views

WALO katao ang nai-report na malubhang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Bgy. San Miguel, Sto Tomas City, Batangas, Huwebes ng madaling-araw.

Ang mga biktima, kasama ang driver, ay residente ng Bgy. Pasong Kawayan, General Trias, Cavite.

Bandang 3:50 a.m. ng Mayo 18, isang tawag sa cellphone mula sa isang mamamayan ang natanggap ng Sto Tomas City Police Station personnel at ine-report na isang aksidente sa kalsada ang nangyari sa nasabing lugar.

Agarang nagresponde ang mga duty investigator kasama ang mga patrol member ng nasabing istasyon sa lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng Sino cargo truck (ABH1094) na minamaneho ng isang 45-taong gulang na driver at isang Fuso aluminum wing Van truck ang nasabing highway patungo sa San Pablo City nang maganap ang insidente bandang 2:40 a.m.

Pagdating sa lugar ng insidente, huminto ang Sino cargo truck at nag signal light sa kaliwa at dahan-dahang umusad patungo sa kanto ng Bgy. San Bartolome Road, Sto Tomas City. Sa sandaling iyon, ang Toyota Hi Ace commuter na binabagtas ang opposite na direksyon ay akisdenteng nabanggan ang truck.

Dahil sa lakas ng impak, nahagip ng Toyota Hi Ace commuter van sa kaliwang bahagi ang Aluminum Wing van truck (CBJ2022), ayon sa mga pulis.

Isinugod ang sugatang driver at mga pasahero ng Hi-Ace sa Cabrini Hospital, Sto Tomas City, Batangas.

Walang nai-ulat kung nasaktan ang dalawa pang driver ng truck.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE