
3 nalambat sa P510K na shabu sa Binondo
HIMAS-rehas ngayon ang tatlong drug suspek matapos matimbog ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Binondo Meisic Police Station 11 na may dalang P510,000 na halaga ng shabu sa Binondo, Maynila noong Biyernes.
Kinilala ni Police Lt. Col. Roberto Mupas, hepe ng nasabing station, ang mga natiklo na sina alyas Tony, 49, alyas Inso, 41, at alyas Jameela, 31, dalaga na taga-Binondo.
Bandang alas-4:10 ng madaling araw ng mahuli ang tatlo na may dalang mahigit P510,000 na shabu na tumitimbang ng halos 75 gramo.