Default Thumbnail

3 laglag sa boga, droga

March 16, 2024 Jojo C. Magsombol 99 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Dalawang lalaki at isang babae ang nahuli ng mga pulis kamakailan dahil sa pagi-ingat ng ilegal na droga at baril sa Highway 2000, Taytay Rizal Community Association, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nalambat sa buy-bust ng Taytay Municipal Police Station Drug Enforcement Team/Intel Operatives alas-3:35 ng umaga sina alyas Papa Doms, alyas Manny at alyas Fatma na nadamay dahil ayaw ipaaresto ang dalawa.

Nadamay lang si Fatma sa mga naaresto ng nakialam at sumigaw ng mga mapanirang salita habang hinuhuli ang dalawa.

“Bitawan n’yo asawa ko. Sino kayo mga putang ina n’yo?” Sinabihan ng mga puis ang babae na itigil na ang pakikialam pero hindi sumunod kaya inaresto din siya.

Narekober ng mga otoridad mula kay alyas Papa Doms ang humigit-kumulang sa 15 gramo ng shabu na may standard price na P102,000; P1,000 buy-bust money, coin purse, isang cal. 38 revolver at tatlong bala.

AUTHOR PROFILE