Default Thumbnail

3 huli sa tong-its sa Cabiao

November 13, 2023 Steve A. Gosuico 194 views

CABIAO, Nueva Ecija–Hinuli ng mga pulis ang tatlong lalaki sa bayang ito habang naglalaro ng tong-its noong Sabado.

Sinabi ni Major Shariel Paulino, hepe ng pulisya, na mga taga-Purok 1, Brgy. Ang Sta. Isabel, Cabiao ang mga nahuli.

Sasampahan ang tatlo ng paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287.

Nakuha sa kanila ang baraha na gamit sa tong its at P1,970 na bet money.

AUTHOR PROFILE