Default Thumbnail

3 drug suspek tiklo sa Peteros

July 30, 2023 Edd Reyes 253 views

NADAKIP ng pulisya ang tatlong drug suspek sa aktong nagpa-pot session habang malakas ang ulan Sabado ng gabi sa Pateros,

Hindi inakala nina Almendry Lantano, 31, Noel Garcia, 59, at Ramil Sagun, 56 na matitimbog sila ng Pateros police sa madilim na parte ng Masagana St. sa Brgy. Sta Ana, Pateros dakong alas-11 ng gabi.

Nabigla pa ang tatlo nang sumulpot ang mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Pateros Police kaya’t huli na para magkanya-kanya pa sila ng talilis sa lugar.

Hawak pa ni Lantano, alyas ‘Boogie,’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360 nang masabat ng pulisya.

Nakuha kina Garcia at Sagun ang ginagamit nilang aluminum foil na may bakas pa ng shabu, aluminum tooter at isang disposable lighter.

Sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) director P/BGen. Roderick Mariano, nakuha rin kay Lantano ang isang improvised gun o “sumpak.”

AUTHOR PROFILE