
3 drug suspects timbog sa Maynila
PINANGUNAHAN ni PLt. COL. Ramon A. Nazario, hepe ng Barbosa police station PS-14 ang pag-aresto sa isang lalaking nahulihan ng dalawang gramk ng shabu sa Sampaloc, Maynila.
Ang suspek na kinilalang si Emelyn Cabus ay naaresto 11:30 a.m. noong Aug, 25 2021 sa Looban Street kanto ng Delgado St. sa Bgy. 402 , Sampaloc Manila.
Ang arestadong suspek ay nasa pangangalaga ng PS-14 at sasampaha n ng kaukulang drug charges.
Si Cabus ay ihaharap ni PCpl. Lester Montero sa office sa City Prosecutor of Manila.
Samantala, nanguna si PLt.Col. Robert Domingo, PS-13 Station Commander at SDEU Chief. Pcapt. Edwin B Fuggan sa pagsagawa ng buy-bust operation 12:30 p.m. noong Aug. 25, 2021 sa Block 9 Tambakan, Baseco Compound, Port Area.
Naaresto sa operation si Abas Andungan alias Basco, 47, umano’y lider ng Andongan Drug Group, vendor, at residente ng No. 2 Block .9 Extension, Baseco Compound.
Naaresto rin ang isa pang suspek na nakilalang si Lynne Elequino, 44, manikurista, residente ng Blk. 1 Ext. Gasangan, Baseco Compound, Bgy. 649 , Port Area Manila.
Nakumpiska sa kanya ang P500 marked money, coin purse at pitonb piraso ng heat sealed sachet na may lamang suspected na tumitimbang ng 10.5 grms at nagkakahalaga ng P71, 400.
Ang lahat ng ebidensiya ay isusumite sa MPD Crime Lab.
Ang mga suspek kasalukuyang nasa pangangalaga ng PS-13 at PCpl. Redmar Santos. Sila ay nakatakdang iharap sa prosecutor’s office ng Maynila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES