
2nd general assembly ng SKF ng Caloocan matagumpay naidaos
NAGING matagumpay ang idinaos na ikalawang general assembly (GA) ng Sangguniang Kabataan Federation (SKF) ng Caloocan City nitong nakalipas na Linggo.
Bago nito, isang makabuluhang ‘training workshop’ din patungkol sa ‘Financial Transaction of the Sangguniang Kabataan’ ang idinaos sa Caloocan Sports Complex na dinaluhan ng 142 SK chairmen, budget officers at treasurers.
Ginanap ito dakong alas-8:00 ng umaga at natapos ganap na alas-2:00 ng tanghali.
Umabot sa 156 SK chairmen naman ang dumalo sa general assembly dakong alas-3:00 ng tanghali na sinaksihan ni Director Marco Cabuenos ng DILG-Caloocan City.
Ang face to face training workshop ay bahagi ng limang araw na on-line seminar na inorganisa ng Commission on Audit ng lungsod.
Nanguna sa naturang seminar ang pamunuan ng COA-Caloocan sa pamumuno ni Ms. Leah C. Bernardino na nagbigay pasasalamat sa kooperasyong ipinakita ng buong SK Fed at mga SK officials.
Nagbigay pagpugay si DILG Director Cabuenos sa pamunuan SK Fed President Councilor Vince ‘ConVINCEd’ Hernandez.
“Ito ay pagpapakita ng kahandaan ng pamunuan na sagutin ang inyong katanungan, bigyang solusyon ang inyong suliranin at pakinggan ang inyong mga opinyon at mga bagay-bagay na sa tingin ninyo ay mas mapapaganda pa sa mga kabataan sa lungsod ng Caloocan. Ang kahandaang iyan ay pagpapakita ng isang transparent. Pagpapakita ng iiang matino, mahusay at maaasahang pamunuan,” ani Cabuenos.
Para kay Hernandez, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa kanyang mga kapwa opisyal sa SK Fed, gayundin ang mga kapwa SK chairpersons.
Partikular na pinasalamatan ni Hernandez ang mga kasamahang opisyal sa SK Fed na sina Naomi Ocampo, EVP; Neil Narvasa, VP for Internal; Joselito ‘Santi’ Santiago, VP external; Secretary Czarina Castro; assistant secretary Christine Joy ‘CJ’ Hagos; Tresurer Reejee Rodel John Iligan, Jr.; assistant treasurer Daisy Calonia; Leslie Ann Yakit, auditor; PROs Luis Miguel Tolentino, Carl Patrick Menes, John Cris Ayon; Sgt. At arms Mark Anthony Lim at Mark Joven Suarez.
Binigyang pugay din ng SK Fed officers ang mga nag-present ng kanilang report sa F2F workshop partikular na sina Emman Christian Alpe, Alih Mae Dulce at mga opisyal na sina Iligan, Menes, Narvasa at Santiago.
Samantalang sinasaluduhan ni ConVINCEd ang kapwa SK chairpersons na nakigahagi sa kanilang GA.
Bukod sa isyu ng pagsusumite ng kanilang annual dues, Isa sa natalakay sa GA ang iba’t iba pang programa ng SKF para sa mga kabataan sa lungsod.
Nanawagan naman si Hernandez sa mga kasamahang SK officers na paigtingin lalo ang kampanya sa bakuna at tumulong na rin sap ag-coordinate hinggil sa nalalapit na face to face class sa Caloocan.
“Malaking tulong po tayo sa paghihikayat sa mga kabataang hindi pa rin nagpapabakuna at ang masinsinang koordinasyon natin sa mga eskuwelahan at magulang para maging ligtas ang nalalapit na pagbubukas ng face to face class sa Caloocan,” ani pa ni Hernandez.