Default Thumbnail

2nd attempt ng American sex offender makapasok sa PH napigilan

June 19, 2024 Jun I. Legaspi 79 views

NAPIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang ikalawang pagtatangka ng isang umano’y American sex offender na makapasok sa Pilipinas gamit ang ibang pangalan.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naharang si Kent Thomas Kuszajewski, 59, sa NAIA terminal 1 noong Hunyo 12 matapos bumaba sa Philippine Airlines flight mula sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Sinabi ni Tansingco na nagpresinta ang pasahero sa BI officer ng US passport gamit ang pangalang Blade Tyler pero lumitaw pa rin ang positive hit sa BI derogatory list kaya hindi pinayagang makapasok sa bansa at pinabalik sa kanyang port of origin.

Una nang naaresto at pinadeport noong 2015 si Kuszajewski dahil sa pagiging registered sex offender (RSO).

Sa unang pagtatangkang pumasok sa bansa, sa Mactan airport ito dumaan noong June 2021 gamit ang pangalang Alex Stevens subalit hindi nakalusot dahil sa pagkakasama nito sa BI’s blacklist ng undesirable aliens.

“We received information that he has been using two other US passports and aliases to conceal his real identity and used it as a ploy to gain entry into countries where he travels,” sabi ni Tansingco.

Unang naaresto si Kuszajewski sa Bacolod City noong February 2015 matapos mataguriang pugante dahiil sa paglabag sa kanyang probation.

AUTHOR PROFILE