
250 bomba nahukay sa Tarlac

TARLAC CITY–Nakahukay ng 250 bomba noong Biyernes ang joint police at Army personnel sa Brgy. Sapang Tagalog ng syudad na ito malapit sa headquarters ng Northern Luzon Command (NOLCOM).
Ayon kay Tarlac City administrator Atty. Joselito Castro, posibleng “active at dangerous” pa ang mga nahukay na bomba.
Nahukay ang mga bomba ng laborer matapos makatama ng metal object sa ilalim ng kalsada na kanilang niri-repair.
Nang i-check kung ano ang tinamaan nila, sinabi ni Atty Castro na nakadiskubre pa ng maraming bomba sa area kaya inireport na nila sa barangay captain.
Ang barangay official agad na inireport sa police at army ang nahukay ng mga obrero kaya na-condone ang area.
Nagpahiram ng backhoe si Vic Angeles, ang asawa ni Mayor Cristy Angeles, upang hukayin ang mga bomba.
“Yong backhoe na pinahiram ni Mr. Angeles pwedeng palitan kung sakaling masira at sumabog pero ang buhay ng tao hindi napapalitan,” ani Castro.
Ang area pinaniniwalaang garrison ng mga Japanese soldiers noong World War 2.
Nagpasalamat si Mayor Angeles sa mga sundalo at police sa action ng mga ito.