QCPD

24 violators sa QC timbog, pinalaya

August 23, 2024 Melnie Ragasa-limena 139 views

DINAMPOT ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 24 na violators sa anti-criminality campaign noong Huwebes.

Sa report ng Holy Spirit Police Station ng QCPD, bandang alas-10:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Don Carlos, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa imbestigador na si P/Pat Marjun Paul Manunday, nagsagawa ng anti-criminality campaign na pinamumunuan ni P/Lt. Niño Castillo na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na umiinom sa mga pampublikong lugar, mga naka-motor na walang helmet, naninigarilyo at nakahubad sa lansangan.

Agad ding pinakawalan ang mga nadakip matapos bigyan ng Ordinance Violation Receipt (OVR).