
2024 Bar exams local testing centers babantayan ng MPD
BABANTAYAN ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang mga local testing centers (LTCs) para sa 2024 Bar exams sa Linggo.
Anim sa 13 LTCs–UP Diliman, University of Santo Tomas, San Beda University, Manila Adventist College, UP-BGC at San Beda College-Alabang–ang nasa Metro Manila.
Babantayan ng MPD policemen ang mga LTCs na nasa Maynila, ayon kay MPD chief PBrig. Gen. Arnold Thomas-Ibay.
Sa tala ng Supreme Court, mahigit 12,000 law graduates ang naghain ng aplikasyon para sa Bar exams sa Sept. 8, 11 at 15.