
20 bayan, siyudad sa Laguna apektado ng baha dulot ni Carina, habagat
HALOS 20 bayan at siyudad sa Laguna ang apektado ng pagbaha bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan dala ng habagat at bagyong Carina.
Bahagyang naibsan ang tubig baha sa nga pangunahing lansangan dahil sa paghina ng pagbuhos ng ulan Miyerkules ng umaga subalit nanatili pa rin ang nararanasang pag-ambon.
Halos may 20 bayan sa Laguna ang nakaranas ng baha partikular ang pangunahing lansangan ng lungsod ng San Pedro, Sta Rosa,Cabuyao, Biñan at Calamba gayundin ang mga bayan ng Bay, Victoria Pila, Sta Cruz, Pagsanjan, Pangil Mabitac, Sta Maria.
Sa bahagi naman South Luzon Expressway (SLEX) nagkaroon din ng pagbagal ng mga sasakyan dahil rin sa baha.
Sinuspinde rin ang klase sa mga paaralan sa probinsiya ni Laguna Gov. Ramil Hernandez.