Chinese Source: Bureau of Immigration

2 wanted na Tsino arestado

June 22, 2024 Jun I. Legaspi 103 views

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese na wanted sa kanilang bansa dahil sa iba’t ibang krimen.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ang dalawa nitong June 19 sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng BI fugitive search unit sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay.

Kinilala ang mga ito na sina Zhu Tingyun, 43, na naaresto sa kanyang bahay sa Bgy. Tambo, Parañaque; at si Wang Yun, 30, na nasakote naman sa Metrobank Avenue, Pasay.

“We will deport them to China so they could stand trial for their alleged crimes and they will remain in our blacklist to prevent them from re-entering the Philippines,” saad ni Tansingco.

Ang dalawa ay kapwa overstaying na sa bansa at nagtatago sa loob ng ilang taon.

Kinansela na rin ang kanilang pasaporte ng Chinese government.

Nabatid mula sa Chinese Embassy sa Manila na si Zhu ay mayroong warrant of arrest mula sa public security bureau sa Cangwu County, Guangxi, China.

Inakusahan siyang nagpapatakbo ng sindikato na sangkot sa online gambling site at nakakalap na umano ng 30 billion Chinese yuan o katumbas ng US$4.1 billion.

Nabatid na si Zhu ay agad nang pababalikin sa China alinsunod sa deportation order dahil sa pagiging undesirable alien.

Si Wang naman ay may arrest warrant mula sa public security bureau ng Jinjiang City dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kidnapping.

Ang dalawa ay nakadetine ngayon sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation.

AUTHOR PROFILE