Mindanao Ang Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao. Source: Province of Lanao del Norte FB Post

2 tulay sa Mindanao bubuksan na sa mga motorsita — PBBM

July 24, 2024 Chona Yu 258 views

DALAWANG bagong tulay ang bubuksan na sa mga motorista ngayong taon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ito ay ang Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao at Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay.

Bahagi aniya ito ng Inter-Island Linkage Bridge Program ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Panguil Bay Bridge ay longest water-spanning bridge sa Northern Mindanao na nagkokonekta sa Lanao del Norte at Misamis Occidental, habang ang Guicam Bridge ay nagkokonekta sa Olutanga Island sa mainland ng Mindanao.

Matatandaang sa State of the Nation Address, ibinida ni Pangulong Marcos ang mga programang imprastraktura na nasa ilalim ng “Build Better More” Program.

AUTHOR PROFILE