
2 timbog sa pot session sa Cabiao
CABIAO, Nueva Ecija–Dahil sa tip ng isang concerned citizen, nahuli ng mga pulis ang dalawang lalaki habang sumisinghot ng shabu sa loob ng calamansi farm sa bayang ito noong Linggo.
Nakilala ang dalawang suspek na sina Armando Atencio, 72, at Michael Joson, 44, kapwa ng Bgy. Entablado.
Nahuli sa akto ang dalawa habang sumisinghot ng shabu sa calamansi farm na pag-aari ng isang Jun-Jun Hernandez alas-3:20 ng hapon noong Linggo.
Nakuha mula sa dalawa ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P680 at ilang drug paraphernalia.