
2 teenager nag-swimming sa ilog, nalunod
BANGKAY na ng matagpuan ang dalawang teenager matapos mag-swimming sa Tullahan River sa Quezon City dahil sa init ng panahon noong Huwebes.
Ang dalawang biktima, na may edad 17 at 14, residente ng Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-9:46 ng gabi naiahon ang bangkay ng mga biktima sa Tullahan River sa St. Andrew St., Maries Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Batay sa imbestigasyon, nagkayayaan ang mga biktima kasama ang apat pang mga kaibigan na mag-swimming dahil sa init ng panahon.
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nalunod na ang isa sa mga biktima kaya iniligtas siya ngunit sa kasamaang-palad pareho silang natangay ng malakas na agos at nadala sa malalim na bahagi ng ilog.