Default Thumbnail

2 sundalo patay, 4 sunog sa kidlat

May 14, 2024 Zaida I. Delos Reyes 116 views

PATAY ang dalawang sundalo at nasunog pero nakaligtas ang apat pang iba ng tamaan ng kidlat habang nasa security operation sa Western Uma, Lubuagan at Balatoc, Pasil, Kalinga noong Linggo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Cpl. Andrew Monterubio at Private First Class (PFC) Inmongog Aronchay, mga miyembro ng 5th Infantry Division ng Philippine Army.

Isinugod sa ospital ang mga nasugatan na sina Sgt. Dennis Bananao, PFC Melvin Danggalan, PFC Abegail Awingan at PFC Riel Angya.

Sa report ng 5th Infantry Division, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa kabundukan ng naturang lugar.

Sinabi ni 5th ID commander Major General Audrey Pasia, na nagpapatrulya ang mga sundalo ng biglang kumulimlim at kumidlat.

Tinamaan ang mga sundalo ng kidlat na ikinamatay ng dalawa at ikinasunog ng apat na iba pa.