Default Thumbnail

2 sugatan sa Tondo riot

July 22, 2023 Jonjon Reyes 359 views

DALAWA ang sugatan sa riot nang magsalubong ng landas ang dalawang magkaaway na gangs sa Tondo, Maynila Sabado ng madaling araw.

Nagtamo ng saksak sa hita ang isang 14 anyos at sa likod naman ang isang 15 anyos mula sa magkalabang gang dahil sa riot na naganap sa Madrid St. at Barcelona St. sa Brgy 73 sa Tondo, Manila bandang 12:45 ng madaling araw ng Linggo, ayon sa pulisya.

Ligtas na sa panganib sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang dalawang menor de edad, ayon sa pulis.

Napag-alaman na matagal nang may alitan ang gang na kinabibilangan ng dalawang kabataan at madalas din mag-riot sa nasabing lugar.

AUTHOR PROFILE