Default Thumbnail

2 sekyu natagpuang patay sa Rizal

June 30, 2024 Gil Aman 48 views

NATAGPUANG patay at may sugat sa katawan ang dalawang security guard na nasa loob ng Red Bank outpost noong Sabado sa Sitio Inigan, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre dakong alas-7:21 ng gabi ng karelyebong security guard ang bangkay ng dalawa sa Red Bank outpost.

Sinabi sa pulis ng papalit na guwardiya na tumawag pa siya saka kinatok ang outpost pero hindi sumagot ang sinuman sa dalawang biktima.

Dahil walang sumagot, sapilitan niyang binuksan ang pintuan at saka tumambad ang wala ng buhay na mga biktima.

Dagdag pa ng incoming na security guard na kapwa may mga sugat sa kanilang mga katawan ang biktima.

Agad namang ipinagbigay ang pangyayari sa kanilang supervisor na humingi ng tulong sa pulisya.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Rodriguez police para matukoy ang hindi kilalang mga suspek sa likod ng pagkamatay ng dalawang sekyu.

AUTHOR PROFILE