
2 nasilo sa sumpak, boga, sugal sa Maynila
NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang lalaki dahil sa pagdadala ng sumpak sa Baseco compound, Port Area at San Andres Bukid sa Sta. Ana, Maynila noong Sabado.
Unang natimbog si alyas Wally, 25, bandang ala-1:45 ng madaling araw, kabilang ang kayang mga kasama, habang nagsusugal sa bangketa.
Tatlo ang naaresto kabilang ang isang babae at nabawi sa suspek ang isang cal. 38 revolver matapos kapkapan ng mga pulis.
Natimbog din ang 27-anyos na lalaki ng mga tauhan ni PLt. Col. Mike Gomez, hepe ng MPD Baseco police station, sa Brgy. 649, Port Area, Maynila.
Bandang alas-4:00 ng umaga ng maispatan ang suspek na si alyas Roman.
Nakuha mula sa kanya ang isang pen gun (sumpak) at isang bala ng 9mm na baril.