Salarin MGA SALARIN–Iniharap ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang mga naarestong suspek na umano’y pambubugaw ng mga kabataang menor-de-edad sa mga foreigners. Kuha ni JonJon Reyes

2 nalambat sa pambubugaw ng menor-de-edad

June 27, 2024 Jonjon Reyes 80 views

DALaWANG umano’y bugaw ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa Quezon City dahil sa child sexual exploitation kamakalawa..

Nag-ugat ang kaso ng dalawa sa referral na natanggap ng NBI-HTRAD mula The Exodus Road, isang non government organization, tungkol sa telegram users na sina Ayvah at Yna na nag-aalok ng sexual-video at live sexual shows sa mga banyaga sa halagang P25,000.

Natuklasan sa imbestigasyon ng mga operatiba ng HTRAD na patuloy pa ring nag-aalok ng mga menor-de-edad ang mga suspek para sa sexual exploitation kapalit ng pera.

Ikinasa ang entrapment at rescue operation ng HTRAD kasama ang NBI-Evidential Multimedia Division (NBI-EMD) at sa tulong ng Exodus Road, DOJ-NBI-CyberTIP Monitoring Center, DOJ-IACAT at social workers ng Social Service Development Department ng Quezon City.

Nagresulta ang operasyon sa pagka-aresto ng suspek na si Yna at Sam na nahuli sa akto na nag-aalok ng mga menor de edad para sa sexual exploitation.

Ipinrisinta na sa Inquest proceedings ang mga naarestong suspek para sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act 2022, Anti-Online Sexual Abuse Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

AUTHOR PROFILE