Shabu

2 naka-motor timbog sa shabu

December 28, 2023 Jojo C. Magsombol 260 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Nadakma ng mga otoridad ang dalawang drug suspek sa checkpoint na may dalang 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000 sa Sitio Sagbat, Brgy. Maybancal, Morong, Rizal.

Nagtangka pang tumakas ng mga suspek na sina alyas Roberto at alyas William pero nasakote din, ayon kay Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director P/Col. Felipe Maraggun.

Nakaposte ang mga miyembro ng Morong police nang mamataan ang dalawang suspek na naka-motorsiklo bandang 10:45 ng gabi.

Pinahinto ng mga pulis ang dalawa para sa berepikasyon.

Pero imbes na sumunod, pinaandar ng rider ang motor pero mabilis na nadaklot ng mga pulis kaya naaresto.

Nang hinahalughog na ang motor, nalaman na walang lisensya ang rider at nang halungkatin pa lalo doon na na-gotcha dahil may humigit-kumulang sa 20 gramo ng shabu na may standard na presyo na P136,000.

AUTHOR PROFILE