Arestado1

2 nagpasikat ng boga, granada, arestado

April 20, 2025 Edd Reyes 257 views

ArestadoTIMBOG ang dalawang lalaking armado ng hindi lisensyadong baril at granada habang naglilibot sa lansangan noong Sabado sa Malabon City.

Nilapitan ng mga tauhan ni Malabon Police chief P/Col. Jay Baybayan sina alyas Henry, 51, at Mike, 43, nang maabutang may bitbit na baril habang naglilibot sa A. Roque St. dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang magpakilala na ang mga pulis at kumpiskahin ang kanilang kalibre .38 revolver at isang kalibre .38 special revolver na may tig-apat na bala

Nang kapkapan, nakuha pa kay alyas Henry ang isang granada.

Itinurn over ng mga pulis ang nakumpiskang baril at granada sa NPD Forensic Unit upang isailalim sa ballistic examination.

Sinabi ni Baybayan na malalaman sa resulta ng ballistic examination kung nagamit na ang mga baril sa krimen.

AUTHOR PROFILE