MWP Mugshot ng 2 MWP na nahuli sa Nueva Ecija

2 MWP, 16 iba pa tiklo sa Ecija

March 13, 2024 Steve A. Gosuico 93 views

CABANATUAN CITY – Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang most wanted person ng Nueva Ecija sa provincial at city level kasama ang 16 iba pa sa magkahiwalay na manhunt operations nitong Martes, ayon sa ulat.
Sinabi ni Nueva Ecija top cop Col. Richard V. Caballero na dalawa sa most wanted felon ang nahuli sa Lungsod ng Cabanatuan at Gapan.

Nakilala ang isa sa kanila na 26-anyos na residente ng Bgy. Sta. Arcadia, na nakalista bilang number five most wanted man sa Nueva Ecija na may outstanding arrest warrant dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na walang inirekomendang piyansa.

Kinilala ang ikalawang naarestong suspek na isang 48-anyos na lalaki mula sa Bgy. Pambuan, Gapan City, nahaharap sa limang bilang ng estafa na may inirekomendang piyansa na P90,000, at kasong illegal recruitment, kasama sa listahan ng most wanted persons ng Gapan City.

Walo pang most wanted persons ang nahuli ng mga police units sa San Jose City (3), Cabanatuan City (2), Gapan City (1), at mga bayan ng Rizal (1) at General Tinio (1) dahil sa magkahiwalay na warrant of arrest para sa estafa, grave threat, theft, at paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Materials Act.

Samantala, nagsagawa ng magkahiwalay na anti-illegal gambling operations ang Guimba at Talugtug police na humantong sa pagkakaaresto sa walong suspek na naglalaro ng illegal card game na tinatawag na “tong-its.”

Nasamsam sa operasyon ang set ng playing cards at bet money na nagkakahalaga ng P2,815.

Sinabi ni Caballero: “These accomplishments were made possible by the invaluable contributions of our dedicated informants from the community, whose consistent vigilance and cooperation have played a crucial role in ensuring the safety and security of our neighborhoods.”

Dagdag pa niya, paiigtingin pa ng NEPPO ang pag-aresto sa most wanted at iba pang kriminal sa lalawigan, alinsunod sa direktiba ni Police Regional Office 3 director Brig.Gen. Jose S. Hidalgo Jr.

AUTHOR PROFILE