Sumpak Source: File FB photo

2 laglag sa 51 gramo ng shabu, sumpak

July 8, 2024 Jojo C. Magsombol 459 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal- Arestado noong Linggo ang dalawang suspek sa pangangalakal ng illegal na droga nang mahuli na may dalang 51 gramo ng shabu na umaabot sa P346,800 at sumpak sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal.

Sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun, nakilalaang mga suspek na sina alyas Marlon, 43, at alyas Raven, 27.

Nahuli ang dalawa dakong ala-1:30 ng umaga sa Brgy. Banaba San Mateo, Rizal matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 51 gramo ng shabu worth P346,800, sling bag at buy-bust money kasama ang isang sumpak, isang bala para sa caliber. 22, bala para sa caliber .9mm at isang bala para sa 5.56mm.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE