Kambing

2 huli dahil sa pangnenok ng kambing, granada

July 8, 2024 Steve A. Gosuico 357 views

GAPAN CITY–Tiklo ang dalawang lalaki sa dahil sa pagnanakaw ng kambing na nagkakahalaga ng P7,500 at nakunan pa ng granada nang mahuli noong Sabado sa Brgy. Marelo ng bayang ito.

Sinabi ni Lt. Col. Wilmar Binag, hepe ng pulisya ng bayang ito, ang 53-anyos na may-ari ng kambing ang nagreklamo tungkol sa dalawang suspek na umano’y nagnakaw ng kanyang kambing dakong alas-8:30 ng gabi.

Sinabi ng biktima na pumunta siya sa kanyang sakahan para kunin ang kambing nang mapansin niyang may humihila ng lubid na nakatali sa hayop.

Nakita niya ang mga suspek na patakas na at bitbit ang kanyang kambing kaya hinabol nila ng kanyang kapitbahay hanggang masukol ang mga ito kasama ng mga rumespondeng barangay tanod.

Matapos masakote, itinurn-over ang dalawang suspek sa mga pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang bladed weapon at isang hand grenade.

Sinampahan na ng kasong pagnanakaw at paglabag sa Republic Act 9516 ang mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE