Default Thumbnail

2 ex-CTG members sumuko

July 19, 2024 Jojo C. Magsombol 301 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Dalawang umano’y miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko sa mga otoridad sa Brgy. Masaya, Rosario Batangas noong Miyerkules, ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas You-An, na nagsuko ng cal. 45 pistol, isang magazine, limang bala, isang blasting cap, isang time fuse at isang rifle-propelled grenade.

Sumuko din si alyas Nova kasama ang isang rifle-propelled grenade.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang sumuko para sa kanilang aplikasyon sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

AUTHOR PROFILE