Police TURNOVER–Inilipat ni Nueva Ecija police chief Col. Richard V. Caballero (kanan) kay incoming acting San Antonio police chief Major Ricardo M. Salomon Jr. (kaliwa) ang bandila ng responsibilidad sa change of command ceremony noong Huwebes.

2 Ecija police chiefs bago na

June 28, 2024 Steve A. Gosuico 102 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Dalawang hepe ng pulisya ang sinibak sa pwesto sa utos ni Nueva Ecija police chief Col. Richard V. Caballero noong Huwebes.

Sa bayang ito, pinalitan si Major Rommel C. Nabong ni incoming acting police chief Major Ricardo Salomon Jr., na dating chief of police ng Penaranda noong 2022.

Pinangunahan ni Col. Caballero ang change of command ceremony sa pagitan nina Nabong at Salomon Jr. sa municipal gymnasium alas-3:30 ng hapon dito.

Sinaksihan din ang turnover rites nina Vice Mayor Julie E. Maxwell, na kinatawan ni Mayor Arvin C. Salonga, municipal budget officer Armando M. Cruz at Major Gerald Fernandez, provincial admin officer.

Nagpasalamat si Vice Mayor Maxwell sa ngalan ni Salonga at ng mga tao ng San Antonio kay Nabong “for a job well done.”

Hinikayat ni Caballero ang kanyang mga tauhan na magkaroon ng “malakas na pakikipagtulungan” sa lahat ng mga stakeholders tulad ng lokal na pamahalaan, mga tao at komunidad at gamitin ito bilang “kasangkapan” upang makakuha ng suporta para makamit ang “ating mandato to serve and protect.”

Samantala, nauna rito, naganap sa Palayan City ang turnover bilang bagong acting police chief ni Lt. Col. Anselmo A. Chulipa, kapalit ni Lt. Col. Jose Charlmar F. Gundaya.

Dating hepe ng pulisya si Chulipa ng Meycauayan City, Bulacan.

AUTHOR PROFILE