Default Thumbnail

2 dedo sa salpukan ng motor, trak sa Sariaya

June 17, 2023 People's Tonight 255 views

PATAY ang isang rider at back ride nito matapos na aksidenteng mabangga ng trak ang sinasakyang motorsiklo nitong Sabado ng madaling araw sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon.

Nakilala ang mga biktima na sina Ryan Camacho, nagmamaneho ng Yamaha Sniper motorcycle at back ride nitong si Celeste Noche, 38-anyos.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa Candelaria District Hospital ang mga biktima sanhi ng mga tinamong matinding pinsala sa pagkabali ng buto at sugat sa katawan.

Batay sa ulat ng Calabarzon police, ang aksidente ay naganap dakong 1:45 ng madaling araw (Hunyo 17) sa kahabaan ng highway ng nabanggit na lugar.

Magka-angkas umano ang mga biktima sa motorsiklo nang mabangga ng kasalubong na trak.

Sa bilis ng pangyayari, tuloy-tuloy na sinalpok ng trak ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang biktima.

Kapwa tumilapon ang dalawang biktima habang tumakas naman ang tsuper ng trak na pinaharurot ang minamaneho nito patungo sa katimugang direksiyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigsyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.

AUTHOR PROFILE