Chinese Ang dalawang naarestong Chinese nationals matapos ang isinagawang buy-bust operation ng PDEA at MDP Station 9. Kuha ni Jon-jon Reyes

2 Chinese nat’ls tiklo sa P102M shabu sa Malate

July 5, 2022 Jonjon Reyes 278 views

PASOK sa selda ang dalawang Chinese nationals sa isang buy-bust operation ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District (MPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa CCP Bay Terminal Parking Lot sa Bgy. 720, Malate, Maynila, Lunes ng gabi.

Umabot sa 15 kilong shabu katumbas sa halagang P102 milyon ang nakumpiska sa dalawang suspek na nakilalang sina Bin Hu, 42, tubong Hunan China at nanunuluyan sa Davao City at si Jiankang Liang, 40, kapwa binata, consultant at nanunuluyan sa Palanan, Makati City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander ng MPD Station 9, inilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar ng bandang 6:45 ng gabi.

Pinangunahan ng ilang tauhan ng PDEA NCR (National Capital Region) ang pag-aresto sa dalawang suspek na inasistihan ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit na tauhan ni P/Lt. Col. Tangdol.

Bukod sa nakaumpiskang shabu, isang cellphone at buy-bust money ang narekober ng mga awtoridad.

Pawang mahaharap ang mga dayuhang suspek sa paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE