
2 arestado sa ‘bato’ sa Quiapo
TIMBOG sa mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa police station 14 ang dalawang lalaki na suspek sa pagbebenta ng shabu sa Claro M. Recto Avenue at Loyola St., Barangay 390, Quiapo, Maynila noong Biyernes
Tinatayang aabot sa P408,000 ang nakumpiskang shabu mula sa mga suspek na nakilala lang sa alyas na ‘Pandoy,’ ng Barangay 118, Tondo, Manila.
Binitbit din ng mga awtoridad ang umano’y parukyano ni Pandoy na si alyas ‘William,’ 56, ng Tondo.
Base sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU kay Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, Station Commander, bandang 8:30 ng gabi nang isagawa ang buy bust sa nasabing lugar.
Nakarekober ng 4 na bultong pakete na hinihinalang shabu at tumitimbang ng 60 gramo na may street value na P408,000, ayon sa mga pulis.
Pinuri ni MPD Chief Police Brig. General Andre Dizon ang mga pulis ng Barbosa police station 14 sa pamumuno ni PLt. Col. Brillante Billaoac dahil sa mapayapang operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.