Default Thumbnail

2-anyos naiwan sa loob ng nasusunog na bahay, patay

June 6, 2022 Dennis Abrina 237 views

NAGISING si Hannah, 18, ng nakakasulasok na usok. Pagdilat niya ay napapaligiran siya at ng kanyang dalawang kapatid na lalaki dalawa at tatlong gulang na lalaki ng mala-impiyernong mga apoy.

Dali-daling binitbit ng teenager ang kanyang tatlong gulang na kapatid palabas ng bahay. Nang akmang babalikan niya ang isa pa niyang kapatid sa loob ay biglang lumaki ang sunog at nilamon na ang kanilang barong-barong.

Wala nang magawa ang teenager kundi tulalang panooring tuluyang mawala ang kanilang tirahan pati na ang kanyang kapatid na naiwan sa loob.

Ang trahedya ay naganap 4 p.m. nitong Linggo sa Bgy. Sabang, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon kay FO3 Joevic Manalo, officer in charge, tinupok ng apoy ang barong-barong ng mga biktima katabi ng Presaris High School.

Dagdag pa ni Manalo na isang oras nagtagal ang sunog bago ito tuluyang napatay. Iniimbestigahan pa ang naging sanhi nito.

AUTHOR PROFILE