Safe SAFE–Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa limang Filipino seafarers sakay ng Emirates Airline EK 332 na lumapag sa NAIA 3 noong Hulyo 30. Isinalaysay ng mga tripulante kay Secretary Cacdac ang naging karanasan nila bilang bihag ng rebeldeng Houthi. Ito ang unang batch na kabilang sa 27 Filipino seafarers na nakasakay sa barkong sinalakay ng mga rebeldeng Houthi noong nakaraang weekend habang dumadaan sa Gulf of Aden. Kuha ni Joseph Muego

1st batch ng seafarers na binihag ng Houthi ligtas nakauwi sa PH

July 1, 2024 People's Tonight 487 views

LIGTAS na nakauwi ng bansa ang limang Filipino seafarers ng MV Transworld Navigator sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinalubong ang lima ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at iba pang opisyal sakay ng Emirates airline EK 332 na lumapag sa NAIA 3.

Ayon sa DMW, ito ang unang batch na kabilang sa 27 Filipino seafarers na nakasakay sa barkong sinalakay ng mga rebeldeng Houthi noong nakaraang weekend habang dumadaan sa Gulf of Aden.

Naisagawa ang repatriation sa pakikipag-ugnayan ng licensed manning agency at may-ari ng barko.

Inaasahan ang susunod pang batch ng mga tripulanteng Pinoy na kasama sa 27 Pinoy seaman na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa susunod na linggo. Ni JOSEPH MUEGO

AUTHOR PROFILE