Lacuna

195 pamilya sa Manila may sarili ng lupa

April 28, 2025 Edd Reyes 70 views

UMAABOT sa 195 na pamilya sa tatlong barangay sa Maynila mula sa kabuuang 775 na benepisyaryo ang nakatanggap ng lupa sa “Land for the Landless” ni Mayor Honey Lacuna.

Ayon kay Lacuna, napasaya nila ang mga beneficiaries dahil nai-award na sa kanila ang titulo ng loteng kinatitirikan ng kanilang tahanan na binayaran ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng expropriation.

Kabilang sa mga ipinamahaging lote ang nasa Florentino St. sa Sta Ana, V. Mapa Extension sa Sta Mesa at Mercedes St. sa Sampaloc.

Ang mga bagong nagmamay-ari ng kanilang sariling lote mga miyembro ng San Antonio Community Neighborhood Association, Lower V. Maps Neighborhood Association at Marquitos Neighborhood Association.

“Napakahirap gawin pero hindi imposible. Kung gusto mo talaga, gagawan at gagawan mo ng paraan.

Sana mapangalagaan nyo itong ibibigay sa inyo kasi hindi biro ang pinagdaanan ninyo at pinagdaanan namin para maisakatuparan ito.

Sana po mahalin nyo,” pahayag ni Launa.

Binigyang kredito rin ng alkalde si Manila Urban Settlements Office (MUSO) OIC Danny de Guzman at ang Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Yul Servo Nieto na hindi natinag sa pagsisikap na makuha ang mga lote para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagpapasa ng ordinansa.

“Hindi po kami titigil, hangga’t kaya namin, para maibigay ang matagal nyo nang pinapangarap para sa pamilya ninyo,” dagdag ng alkalde.

AUTHOR PROFILE