PRC Larawan: Professional Regulation Commission/FB

1,906 katao pumasa sa physicians licensure examination

April 20, 2024 People's Tonight 46 views

UMBOT sa 1,9064 ang bagong physicians ng bansa matapos pumasa sa Physicians Licensure Examination ngayong Abril.

Ang mga miyembro ng Board of Medicine na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Dr. Zenaida Antonio, chair; Dr. Godofreda Dalmacion, Dr. Eleanor Almoro, Dr. Martha Nucum, Dr. Efren Laxamana, at Dr. Joanna Remo, mga miyembro.

Pumalo sa 55.50 percent ang passing rate dahil sa 1,906 ang pumasa mula sa 3,434 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Christopher Mendoza mula sa Matias H. Aznaer Memorial College of Medicine, na nakakuha ng 89.25 percent.

Samantala, nanguna naman ang University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 89.23 percent — 58 mula sa 65 examinees ang pumasa.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1y5BngREa540DyOATSPDgObaMFOX_9nwB/view.

AUTHOR PROFILE