Shabu

16 crime suspek timbog sa Bulacan

September 2, 2023 Bernard Galang 215 views

CAMP General Alejo S Santos, City of Malolos, Bulacan–Arestado sa anti-crime operations ng Bulacan police noong Setyembre 1 ang anim na drug suspect at 10 taong pinaghahanap ng batas.

Sa ulat kay PRO (Police Regional Office) 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., sinabi ni Bulacan police commander Col. Relly Arnedo na nagsagawa ng operasyon kontra sa droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na drug suspect at naka-kumpiska ng 24 na sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 4.232 gramo na nagkakahalaga ng P28,414.60 ang mga miyembro ng San Ildefonso, Obando, at Marilao police kasama ang SOU3-PNP DEG.

Samantala, nagresulta sa pagkakaaresto sa 10 wanted na tao ang manhunt operation ng tracker teams ng San Miguel, 1st Provincial Mobile Force Company, Santa Maria, Plaridel, Pandi, San Ildefonso police at mga pinagsamang operatiba ng Meycauayan, Provincial Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit 3, Angat, Bulacan Ang HPGT, RMFB 3, at Marikina, Meycauayan at Malolos police.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga arresting unit ang mga wanted persons.

AUTHOR PROFILE