
14 Nigerian nationals na involved sa fraud nasakote ng BI
NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 14 Nigerian nationals dahil umano sa fraud activities sa Las Piñas City.
Pinangunahan ng BI intelligence operatives katuwang ang local law enforcement ang pag-aresto sa 14 na Nigerians na sangkot sa multiple fraudulent schemes.
“Our intelligence division has been closely monitoring these individuals. They were reportedly involved in love scams, online scamming and credit card fraud,” pahayag ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr.
Unang tinarget ang mga suspek na sina Godswill Nnamdi Chukwu, 32, at Justin Chimezie Obi, 30, pero natagpuan din ang 12 pang Nigerians.
Natuklasan na overstaying at lumalabag sa kondisyon sa kanilang pananatili sa bansa ang 14 na dayuhan.
Binigyanng-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco na mahalaga ang operasyon bilang proteksyon sa bansa laban sa fraudulent activities.
“These arrests underscore our commitment to safeguarding our nation’s security and maintaining the integrity of our immigration laws. We will continue to work tirelessly to bring violators to justice,” saad ni Tansingco.