DOH

1,382 bagong kaso ng Omicron naitala

July 9, 2023 People's Tonight 402 views

NADAGDAGAN ng 1,382 ang mga kaso ng Omicron subvariants sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang mga bagong kaso ay naitala sa bagong genome sequencing na isinagawa ng Baguio General Hospital Medical Center at University of the Philippines-Philippine Genome Center Visayas mula Hunyo 26 hanggang 29.

Sa mga bagong kaso, 1,251 ang XBB, isang variant under monitoring (VUM) ng World Health Organization (WHO) at variant of interest (VOI) ng European Center for Disease Prevention and Control.

Kasama sa mga bagong na-detect ang XBB.1.5, XBB.1.16, XBB.1.9.1, XBB.1.9.2, at XBB.2.3 variant.

Mayroon ding na-detect na BA.2.3.20, BA.5, XBC, BA.2.75, at BA.4.

AUTHOR PROFILE