NDRRMC

13 PATAY SA HAGUPIT NI ‘EGAY’

July 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 267 views

UMAKYAT na sa 13 ang bilang ng patay sa pananalasa ng Super Typhoon Egay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), anim sa mga nasawi ang kumpirmado habang pito ang bina-validate pa.

Lima sa mga nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region, habang ang iba ay mula sa Western Visayas.

Nasa 12-katao naman ang naiulat na nasugatan at 20 indibiduwal ang nawawala.

Sa tala ng NDRRMC, umabot na din sa 140,923 pamilya o 502,782 katao ang naapektuhan ng bagyo.

Sa nasabing bilang, 8,890 pamilya o 29,223 katao ang nasa loob ng evacuation centers, habang nasa 3,851 pamilya o 13,608 katao ang nasa labas.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 115 insidente ng pagbaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cenral Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen at Bangsamoro Region.

Nasa 82 imprastratura naman ang napinsala sa Ilocos Region, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Davao, Soccsksargen at Bangsamoro Region, na nagkakahalaga ng P656.3 milyon.

Umabot naman sa P18.2 milyon ang tulong na naipamigay ng gobyerno sa mga biktima.