Rebelde Ang mga rebeldeng magsasaka sa sumuko sa mga otoridad sa Guimba, Nueva Ecija. Larawang hango ni Steve A. Gosuico sa NEPPO FB

12 rebelde sumuko sa mga pulis sa Ecija

May 18, 2024 Steve A. Gosuico 94 views

LUNGSOD NG CABANATUAN–Sumuko sa mga pulis ang 12 miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL), isang wing New People’s Army (NPA), sa Guimba, Nueva Ecija noong Huwebes.

Inilarawan ni Nueva Ecija police chief Col. Richard Caballero ang pagbawi ng suporta sa rebeldeng grupo bilang “turning point” ng gobyerno sa paglaban sa insurgency problem.

Nanumpa ng katapatan sa gobyerno ang 12 miyembro ng AMGL sa isang simpleng seremonya sa Brgy. Casongsong alas-10:00ng umaga.

Pinangasiwaan ang aktibidad ay ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Major Bryan Christopher Baybayan.

Kasunod ng paglagda sa commitment of support, ang 12 dating rebeldeng tagasuporta binigyan din ng food packs ng Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr.

Sinabi ni Baybayan na agad na pinalaya ang 12 personalidad matapos sumailalim sa regular na dokumentasyon.

“This significant event signifies a turning point in our fight against insurgency.

Through the collective efforts of our personnel and supporting units, we have achieved a remarkable shift in allegiance, towards a peaceful and prosperous province of Nueva Ecija,” ani Caballero.

AUTHOR PROFILE